Biyernes, Mayo 31, 2013

ETERNITY: Until MY Dying Day

     Napakabilis ng panahon, lumilipas ang lahat sa isang kisapmata lamang. Ngayon, nais kong ibahagi sa inyo ang isang napakagandang kantang ito na dumagundong sa industriya ng musika malipas ang isang linggo na umani ng napakaraming "likes" sa iba't-ibang social networking sites at maging sa media.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BuKo
by: Jireh Lim


Verse:
Naalala ko pa
Nung nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang ‘yong mga ngiti


At Ika’y sasabihan
Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo


Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sa’yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko


Chorus: 
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ‘ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko


Verse: 
Naalala ko pa
Nung pinapangarap pa lamang kita
Hahatid, susunduin
Kahit mga bituin aking susungkitin


Chorus:
Kung inaakala mo
 
Ang pag-ibig ko’y magbabago
 
Itaga mo sa bato
 
Dumaan man ang maraming pasko
 
Kahit na di mo na abot ang sahig
 
Kahit na di mo na ‘ko marinig
 
Ikaw pa rin ang buhay ko


Bridge: 
Araw-araw kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
Kitang liligawan
Haharanahin ka lagi


Chorus:
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Pumuti man ang mga buhok ko


Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko


Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na kumulubot ang balat
Kahit na hirap ka nang dumilat
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ako marinig 
Ikaw parin (Ikaw pa rin)
Ang buhay ko.


* * * * * * * * * * * *

       Maging ako ay nahumaling sa kantang ito, it has always remind of me something. Sa bawat linya lagi ko siyang naaalala, lagi ko siyang naiisip. Napakasarap lang kasi ng pakiramdam, let me tell you how it has remind of so many things which are so great to look back.

* * * * * * * * * *
Naalala ko pa
Nung nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang ‘yong mga ngiti


At Ika’y sasabihan
Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan --Naaalala ko dito yung sa t'wing mag-aantay ako sa'yo kapag sabay tayo papasok sa umaga. Dating tagpuan?, sa may 7-eleven yan.


Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo --Oo, hindi ko man sabihin parati, laging nabubuo ang araw ko sa t'wing maririnig ko ang mga himig mo. Kahit na nakakaasar na boses, malambing na boses, galit na boses, maging yung mga tawa at pagsigaw  mo, lalo na ang pagkanta kanta mo, binubuo ang araw ko.


Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sa’yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko --Hindi mo man sabihin, hindi mo man ako utusan lagi kitang aantayin, gaano man katagal, gaano man kahirap, maghihintay ako. Walang kasing tamis ang pagmamahal na tyinaga mong antayin ng matagal.


Chorus: 
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago --Sa t'wing pakiramdam mo na parang hindi kita mahal, o sa mga panahong madalas na ika'y mabelawala ko nalang dala ng nararamdaman kong sakit, tampo, inis o pagkagalit, nagkakamali ka sa pakiramdam mo. Parati kitang mahal kahit na nasasaktan na, kahit na minsan galit na galit pa. Hindi ko man sabihin at iba man ang maramdaman mo sa mga ikinikilos ko, pangalan mo pa rin ang sinisigaw ng puso kong nagmamahal sa'yo.


Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko --Pangako, hindi lang sa panahon ng saya't ligaya, maging sa hirap ng buhay, lagi kitang mamahalin, hinding hindi yun magbabago.


Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ‘ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko --Hanggang sa pagdating ng araw na kasama kitang tumanda, mahal pa rin kita kahit anong mangyari, hindi ko maipagpapalit ang lahat ng ito kahit anong dumating sa paglipas ng panahon.


Verse: 
Naalala ko pa
Nung pinapangarap pa lamang kita
Hahatid, susunduin --Hatid, sundo! :) dito tayo nagsimula, hanggang sa paglipas ng maraming taon, ilang hatid-sundo pa man ang kailangan kong gawin aking titiisin, kasi mahal kita eh.


Kahit mga bituin aking susungkitin


Chorus:
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ‘ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko


Bridge: 
Araw-araw kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
Kitang liligawan
Haharanahin ka lagi --Hindi man ako marunong mang-harana, hindi man ako magaling kumanta lagi kitang kakantahan kahit na ba sintunado ang boses ko. Hindi lang ligaw, kundi panunuyo gagawin ko rin, hindi ko hahayaan na malungkot ka sa piling ko. Hindi ko na hahayaan na maramdaman mong hindi kita mahal. Lagi kitang mahal.


Chorus:
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Pumuti man ang mga buhok ko
ohhhh... 


Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko


Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na kumulubot ang balat
Kahit na hirap ka nang dumilat
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ako marinig 
Ikaw parin(ikaw pa rin)
Ang buhay ko.

* * * * * * * * * *


* * * * * * * * * * 
I have been through so many ups and downs in life, minsan ba naramdaman ko na ring sumuko pero hindi pwede, hindi maaari. Ang unang sumuko, siyang talo. Alam ko :) Kahit gaano man din kahirap ang magmahal hinding hindi ako pwede sumuko, kasi una sa lahat sinimulan ko ang laban ng puso. Isa lang naman ang hiling ko, na huwag na sanang kunin sa akin kung ano man ang meron ako ngayon, kasi ipinapangako ko na aalagaan ko na 'to. I want this to be the last. Sabi ng iba impossible, sabi rin naman nila na hindi ko raw kaya. Pwes, handa akong patunayan na nagkakamali sila. I won't let go of something / someone which is of so much worth to me, sa sobrang importante niya ni hindi pwedeng presyuhan ang pagmamahal ko para sa kanya.

Sino ba ang nagsabing laging masarap magmahal? :) AKO! :> bakit?, kasi kahit gaano pang hirap ang pagdaanan niyo, ilang luha pa man ang bumuhos mula sa mga mata mo, wala pa ring kapalit ang mga ngiting bibilangin mo matapos ang lahat ng ito.

Masaya ako sa kung anong meron ako ngayon and I believe na siya na yung kaligayahan ko sa pagtanda ko. Ikaw nakikita mo ba ang sarili mong masayang tumatanda kasama ang taong mahal mo? :) sana ganun ka rin, kasi kapag ganyan, nagkakatotoo yan. You may not be the best person that everyone wants you to be, but you are the best person to one person without even trying.

I love you baby! :*
Be my last, I know you are! :*